or

xtrade logo

Impormasyon sa Trading

Kontrol sa Peligro at Mga Uri ng Order

Bumili at Magbenta sa Mga Presyo sa Merkado

Bilang trader sa merkado, magagamit mo ang Xtrade para bumili at magbenta ng mga instrumento ng CFD sa kasalukuyang presyo sa merkado (sa midpoint ng spread ng presyo na nakatakda sa bawat indibiduwal na instrumento). Naghahandog ang Xtrade ng Mga Uri ng Order na makukuha sa aming Trading Platform. Ginagawang available ng Xtrade ang Mga Kautusan sa Paglimita para matulungan kang mabawasan ang peligro mo.

Kautusang Ihinto ang Pagkalugi (Pinakamalaking Pagkalugi)

Ang Kautusan sa Paghinto ng Pagkalugi ay ekselenteng paraan para mapahinto kang makaranas ng malaking kawalan kung ang instrumento (Mga Share, Forex, Commodity o Indise) ay gumalaw sa hindi nais na direksyon. Ang Kautusan sa Paghinto ng Pagkalugi ay nag-uutos sa Xtrade na isara ang posisyon kapag o kung ang instrumento ay umabot sa partikular na presyo.

Kapag umabot ang stock sa presyong ito, magiging kautusan sa merkado ng Kautusan sa Paghinto ng Pagkalugi. Ang Kautusan sa Merkado ay agad mag-uutos sa Xtrade na isara ang posisyon sa pinakamahusay na posibleng presyo. Subalit, mangyaring alamin na sa nagbabagong merkado, maaaring hndi mo matanggap ng eksaktong presyo na inaasahan mo, ngunit magiging malapit ito hanggang posible.

Ang Kautusan Sa Paghinto ng Pagkalugi ay magagamit din para protektahan ang mga kita sa stock na gumagalaw sa nais na direksiyon. Maaari mong paulit-ulit na i-reset ang presyo para isara ang posisyon at ang Kautusan sa Paghinto ng Pagkalugi at mag-uutos sa Xtrade na isara ang posisyon kung naabot ang presyo.

Kautusang Kunin ang Kita

Ang Kautusang Kunin ang Kita (Limitahan ang Kita) ay isang ekselenteng paraan para protektahan ang mga kita mo sakaling ang presyo ng instrumento (Mga Share, Forex, Commodity o Indise) ay gumalaw sa nais na direksyon. Ang Kautusang Kunin ang Kita ay nag-uutos sa Xtrade na isara ang posisyon kapag o kung ang instrumento ay umabot sa partikular na presyo.

TANDAAN: Sa ilalim ng hindi normal na kalagayan ng merkado, maaaring mabilis na magbago-bago ang mga CFD para ipakita ang mga hindi inaasahang kaganapan na hindi makokontrol ng Firm o ikaw. Bilang resulta, ang mga tagubilin mo para pigilan ang kawalan ay maaaring hindi maisagawa sa dineklarang persyo (maaaring ilapat ang negative slippage) samakatuwid, ang kautusang “stop loss” ay hindi makakagarantiya na limitahan ang mga kawalan sa mga hindi normal na kalagayan ng merkado.

Kasama sa pag-trade ng mga CFD ang makabuluhang peligro na mawalan. Ang pag-trade ng mga FX/CFD ay may kaugnay na makabuluhang lebel ng peligro at maaaring mawala mo lahat ng pinuhunan mong kapital. Mangyaring pakisuguro na nauunawaan mo ang mga panganib na kaugnay.