or

xtrade logo

Impormasyon sa Trading

Patakaran sa Pag-withdraw

Bilang bahagi ng paninindigan naming magbigay ng tunay na superyor na serbisyo, ang Xtrade (ang "Kompanya" o "kami") ay gagawa ng lahat ng kailangang gawin para matiyak na ang mga hiling sa pag-withdraw ay mabilis at episyenteng maproseso. Para proteksiyonan laban sa panloloko, maaari rin kaming humiling ng karagdagang impormasyon. Gagamit kami ng nangunguna sa industriya na pangseguridad at encryption na teknolohiya na magagamit para matiyak na ang mga transaksiyon at pinansiyal na impormasyon ay mananatiling ligtas.
*Pakitandaan na ang account mo ay dapat ganap na mapatotohanan bago ang proseso ng pag-withdraw. Ang listahan ng mga kailangang dokumento ay mahahanap dito. Sa ilang kaso, reserbado ng Kompanya ang karapatang humiling ng ilang karagdagang dokumento.
Ang kailangang dokumentasyon:
  1. ID/Pasaporteng bigay ng Pamahalaan
  2. Katibayan ng Address
  3. Pagtatasa ng Pagiging Angkop

Proseso sa Pag-withdraw

Kung mayroon kayong bukas na mga posisyon, hindi ninyo mawi-withdraw ang inyong buong Available na Balanse. Kailangan ng pinakamamababang halaga para mapanatili ang Maintenance Margin.
(Available na Balanse – Maintenance Margin) at margin >= 1% = Max na Halaga ng Iwi-withdraw

Ang mga hiling sa pag-withdraw ay aabutin ng hanggang limang araw ng negosyo para iproseso. Maaring magkaroon ng hindi namin sakop na mga pagka-antala sanhi ng ikatlong partido na mga pamamaraan ng pagbabayad sa pag-withdraw (hal. kompanya ng credit card, ang bankong nagpapadala o ang intermediary na mga bangko na nag-aantala ng mga paglilipat, sa malalang kaso, hanggang 3 linggo).

Paano ako hihiling ng pag-withdraw?

  1. Mag-log in sa iyong Xtrade account
  2. I-click ang "Withdraw" sa pangunahing pahina
  3. Pakipasok ang halaga at isumite ito sa pamamagitan ng pag-click sa button ng "withdraw"
  4. Para kumpletuhin ang hiling mo, mangyaring mag-print ng form para sa pag-withdraw, mano-mano itong lagdaan at ipadala ito sa [email protected] o sa pamamagitan ng fax:+357 25030429
  5. Kapag kumpleto na ang hiling mo, ipapasa ang impormasyon sa amin para iproseso. Makakatanggap ka ng kumpirmasyong email sa hiling mo sa pag-withdraw.

*Pakitandaan na dapat ganap na mapatotohanan ang account mo bago ang proseso ng pag-withdraw. Ang listahan ng mga kailangang dokumento ay mahahanap dito. Sa ilang kaso, reserbado ng Kompanya ang karapatang humiling ng ilang karagdagang dokumento.

**Ipoproseso ang pag-withdraw mo sa pamamagitan ng parehong paraan ng paggawa ng deposito. Kapag nagdeposito ka gamit ang credit card, anumang pag-withdraw na halaga ay ibabalik sa credit card na iyon. Gayundin, kung ang deposito ay ginawa gamit ang bank transfer, ang mga pag-withdrawal ay ililipat pabalik sa iyong bank account. Ang mga ibang depositong ginawa sa pamamagitan ng e-wallet ay isasauli bilang bank transfer o gamit ang Skrill/Netteler e-wallet.

***Lahat ng mga kita ay isasauli sa pamamagitan ng bank transfer. (Ang halaga ng kita na mas mababa sa $150 ay maaaring ilipat gamit ang anumang ibang paraang aprubado ng Kompanya, sasailalim sa regulasyon).

Paano ko matitingnan ang katayuan ng aking hiling sa pag-withdraw?

  1. I-click ang Mga Opsyon ng Account > Pamamahala ng Mga Pondo > Mga hiling sa pag-withdraw.




  2. Makakakita ka ng bagong pop up window na may buong detalye ng pag-withdraw mo.

*Pakitandaan na maaari mong kanselahin ang hiling mo anumang oras habang ang katayuan ay "nakabinbin"

Bakit tinanggihan ang pag-withdraw?

  • Hindi ganap na napatotohanan ang account mo.
  • Hindi kami nakatanggap ng nilagdaang withdrawal form.
  • Hindi mano-manong nilagdaan ang withdrawal form, natanggap lang namin ang mga bahagi nito o nagsasaad ito ng petsa ng pag-withdraw na tinanggihan na
  • Hindi kami nakapaglipat ng mga pondo sa mga nilaang detalye ng Bangko/e-wallet o hindi kami nakatanggaap ng mga tamang detalye.

Mga bayad sa pag-withdraw

Hindi sumisingil ang Xtrade ng anumang bayad sa pagproseso ng pag-withdraw. Ang kabuuang halaga ng pag-withdraw ay ililipat sa account mo sa bangko, credit/debit card o e-wallet; subalit, maaaring maglapat ng mga bayarin ang mga bangko at/o mga intemediary na bangko,mga tagapagproseso. Hindi kami tumatanggap ng anumang responsibilidad para sa mga nasabing bayarin.

Suporta sa Bayad

Ang aming koponan sa Suporta sa Kliyente ay handang tumulong sa iyo para sa anumang katanungan na mayroon ka para gawing maayos ay kumbinyente ang iyong karanasan sa online trading hangga't maaari, 24 oras bawat araw, 5 araw bawat linggo. Please makipag-ugnayan sa amin sa anumang mga tanong na mayroon ka.
Kasama sa pag-trade ng mga CFD ang makabuluhang peligro na mawalan. Ang pag-trade ng mga FX/CFD ay may kaugnay na makabuluhang lebel ng peligro at maaaring mawala mo lahat ng pinuhunan mong kapital. Mangyaring pakisuguro na nauunawaan mo ang mga panganib na kaugnay.