Magbukas ng bagong account
Account Login
Ang leverage ay ang mekanismo kung saan ang iyong CFD margin deposit ay kumokontrol sa ari-arian na maraming beses ang laki ng halag, naghahandog ng pinalaking epekto sa pag-trade at pinabilis na pagbalik. Halimbawa: Nagdeposito ka ng $1,000 ang iyong Equity ay $1,000 at ang Inalok na Leverage ay 1:50. Ang halagang leveraged mo ay 1,000 x 50 = $50,000. Ang Mga Inaatas na Securities (margin na deposito) ay pinapakita sa bawat pop-up trade na screen. Ang leverage ay pamamaraan na ginamit pata paramihin ang mga kalamangan; subalit, ang leverage ay maaari ring magparami sa mga pagkalugi. Tandaan, mas mataas ang leverage mas mataas ang peligrong mawala ang dineposito mong kapital. Ang leverage ay maaaring makatulong sa iyo o lumaban sa iyo.
Tandaan na ang mga inaatas sa margin ay karaniwang naaayong tumataas sa halaga ng sumasailalim na ari-arian sa pag-trade.
Ang iyong Margin ay sinusubaybayan sa real time, nagbibigay sa iyo ng bentaheng malaman kung saan ka naroon sa lahat ng oras. Ang lebel ng Maintenance Margin ay ang pinakamababang halaga ng kailangang equity para mentinahin ang Bukas na Posisyon. Kung ang iyong equity ay mas bumaba sa pinakamababang halaga, ang Xtrade ay awtomatioong magpapatupad ng Margin Call trade at isasara ang anumang mga bukas na posisyon hanggang ang iyong account equity ay lumagpas sa inaatas na lebel ng Maintenance Margin.
Halimbawa ng Margin Call:
Ikaw ay nag-sign up at nagdeposito ng $10,000 gamit ang credit card:
10.20am - Bumili ka ng 200 Google Shares (Mga CFD) sa $540.00.
Ang kabuuang halaga na binili mo ay: 200*$540 = $108,000.
Ang Paunang Margin na kailangan para sa 200 Google Shares ay 2%: $2,160.
Ang Maintenance Margin na kailangan para mentinahin ang 200 Google Shares ay 1%: $1,080.
Kung ang iyong equity ay bumaba sa $1,080 makakakuha ka ng Margin Call. Ili-liquidate ng Xtrade ang mga bukas mong posisyon.
1.00pm - Bumaba ang Google shares sa $510.
1:15 pm - Bumaba ang Google shares sa $495. Tatanggap ka ng Margin Call at ili-liquidate ng Xtrade ang posisyon mo.
Ang dahilan kung bakit ka nakatanggap ng Margin Call ay dahil ang iyong Equity ay $1,000 at kailangan mo ng $1,080 para mentinahin ang bukas na posisyon sa 200 Google Shares. Samakatuwid, ni-liquidate ng Xtrade ang posisyon mo. Ang kasalukuyan mong balanse ay:
Para magbukas ng bagong posisyon, ang iyong available na equity ng account at dapat lumagpas sa inisyal na inaatas na lebel ng margin ng pag-trade. Ang mga lebel ng margin ay iba-iba sa mga magkakaibang pinansiyal na instrumento.
Makikita mo ang iyong inaatas na kabuuang margin sa ilalim ng Aking Account na bar sa kaliwang panig ng pahina ng trading platform. Mangyaring alamin na ang pauna mong margin ay patuloy na sinusubaybayan sa real-time.
Para panatilijng bukas ang bago mong posisyon, ang equity sa iyong account ay dapat lumagpas sa kabuuang Lebel ng Maintenance Margin. Ang mga inaatas sa Lebel ng Maintenance Margin ay partikular sa bawat pinansiyal na instrumento. Laging pinapakita ng Xtrade ang lebel ng Maintenance Margin sa bawat indibiduwal na instrumento.
Makikita mo ang iyong Maintenance Margin sa ilalim ng Aking Account na Bar sa kaliwang panig ng Pangunahing Pahina. Mangyaring alamin na ang iyong Maintenance Margin ay patuloy na sinusubaybayan sa real-time.
Para sa pinansiyal mong kaligtasan, kung hindi nilaan ang karagdagang margin, awtomatikong isasara ng Xtrade ang mga posisyon sa ngalan mo. Tandaan, mas mataas ang leverage mas mataas ang peligrong mawala ang dineposito mong kapital. Ang leverage ay maaaring makatulong sa iyo o lumaban sa iyo.
This website uses cookies to optimize your online experience. By continuing to access our website, you agree with our Privacy Policy and Cookies Policy . For more info about cookies, please click here.
or