or

xtrade logo

FAQ

Hanapin ang mga sagot sa aming pinakamadalas itanong

Paano ka namin matutulungan?

Mag-browse sa aming seksiyon ng suporta

Pagbukas ng account

  • Paano ako magbubukas ng trading account sa Xtrade.com?

    Pumunta sa Magrehistro, kumpletuhin ang form ay mala-log in ka sa iyong trading account. Sa pop-up na mensahe, makakakita ka ng password na random na ginawa, na kailangan mong palitan sa sarili mo. Makakatanggap ka rin ng pambungad na email na may username at password.

  • Magkano ang kailangan kong bayaran upang magbukas ng Xtrade account?

    Libre ito. Hindi sumisingil ang Xtrade ng anumang bayad sa pagpaparehistro.

  • Maaari ba akong magbukas ng maraming account sa pag-te-trade?

    Hindi. Isang pang-trade na account lang ang maaari mong buksan.

  • Paano ako kikita ng pera dito?

    Kailangan mong mamuhunan nang matalino. Ang pag-trade sa FX at CFD ay may kaugnay na peligrong mawalan, lalo na dahil sa leveraged na kalikasan ng pag-trade. Paki-click dito para basahin ang buo naming babala sa peligro. Ang impormasyong laman ng website na ito at mga dokumento sa pagsisiwalat ay pangkalahatang katangian lamang, at hindi isinasaalang-alang ang personal mong siskumstansiya, pinansiyal na sitwasyon o mga pangangailangan. Dapat mong maingat na isaaalang-alang ang aming Kasunduan sa Kliyente at humingi ng independiyenteng payo bago ka magpasya kung ang pag-trade sa mga nasabing produkto ay bagay sa iyo.

  • Paano ako magsisimulang mag-trade?

    Kung nagbukas ka na ng trading account, isinumite ang iyong mga dokumento ng pagkakakilanlan para sa pagpapatotoo ng account at nagdeposito; handa ka nang magsimulang mag-trade.

  • Maaari ba akong magsimulang mag-trade kaht na wala akong karanasan?

    Oo. Ang aming Sentro ng Edukasyon at ang Xtrade ay naghahandog ng mga tutorial video, e-book at ibang dulugan na bagay sa mga nagsisimula at propesyonal na trader.

  • Ayaw kong kumumpleto ng form ng pagpaparehistro at ibunyag ang aking personal na impormasyon. Posible ba ito?

    Bilang nireregulang kompanya — sasailalim na maraming batas, mga inaatas sa pagtupad at mga pamamaraan sa pagtanggap ng kliyente — inaatasan kaming magkaroon sa file ng KYC (Know Your Client) na impormasyon. Ginagawa namin ang lahat para protektahan ang pagiging kumpedensiyal, seguridad at integridad ng data ng iyong pagkakakilanlan.

  • Anong mga input character ang katanggap-tanggap sa form ng pagpaparehistro?

    Mangyaring gumamit lang ng mga letra at numero. Iwasang gumamit ng anumang simbolo habang pinupunan ito.

  • Isasara mo ba ang account ko kung zero ang balanse ng account nito?

    Ang mga account na zero ang balanse ay hindi isasara maliban kung hiniling mismo ng kliyente.

  • Naghahandog ba kayo ng proteksiyon sa negatibong balanse?

    Oo. Ang mga interes ng aming mga kliyente ay ang pangunahin naming layunin at iyan ang dahilan kung bakit sa Xtrade ang balanse mo ay hindi magiging negatibo. Ang Proteksiyon sa Negatibong Balanse ay hahadlang na ang trader ay mangutang. Sa kasamaang-palad, hindi lahat ng retail forex broker ay nagbibigay ng proteksiyon sa negatibong balanse. Para sa trader na walang karanasan, ang kakulangan ng margin call ay maaaring mangahulugan ng kaibahan na mawala lang ang puhunan mo at mangutang. Banayad ito pero mahalagang kaibahan. Sa forex trading, maaari mo pa ring makayanang mawalan ng pera na kaya mong mawala (wala namang perpektong trader na laging mananalo). Subalit, ang pangungutang ay hindi kailanman katanggap-tanggap, gaano mang karanasan ang mayroon ka.

  • Nakalimutan ko ang aking password. Ano ang dapat kong gawin?

    Paki-click ang "Nakalimutan ang Password" sa ilalim ng kahon sa pag-log in at ang iyong password ay ipadadala sa iyong email address.

  • Paano ko papalitan ang aking password?

    Upang palitan ang iyong password, mangyaring mag-log in sa iyong Xtrade account; at i-click ang Account Options > Change password

  • Maaari bang ang aking account manager ang mag-trade sa halip na ako?

    Hindi kami naghahandog ng mga serbisyo sa pamamahala ng account. Ikaw ang iisang may-ari ng account at ang tanging magpapasya.

  • Paano ko maida-download ang platform?

    Hindi kailangan i-download ng aming user-friendly na web platform.

  • Mayroon ka bang MT4?

    Sa kasamaang palad, sa ngayon hindi kami naghahandog ng MT4 platform.

  • Paano ako magbubukas ng demo account?

    Pagaganahin ang demo account sa sandaling nagbukas ka ng trading account. *Sasailalim sa minimum deposit

  • Mula sa loob ng trader screen, paano ako magpapalit-palit sa pagitan ng tunay at mga demo account?

    Sa loob ng seksiyong My Account, lumipat sa pagitan ng tunay at demo mode sa pamamagitan ng pag-toggle sa "Switch" button.

  • Ano ang kaibahan sa pagitan ng trading at demo account?

    Bagaman lahat ng tampok at paggana ng tunay na platform ay makukuha sa demo platform, dapat tandaan ng mga user na ang simulasyon ay hindi maaaring gumaya sa tunay na kundisyon sa pag-trade sa market. Ang isang mahalagang kaibahan ay ang daming isinasagawa sa simulasyon ay hindi nakakaapekto sa merkado; habang sa tunay na pag-trade, ang dami ay nakakaapekto sa merkado, lalo na kapag malaki ang sukat ng posisyon.

  • Paano ko popondohan ang aking demo account?

    Awtomatikong popondohan ang iyong demo account 7 araw makalipas ang pagpaparehistro.

  • Gaano ko katagal magagamit ang demo account?

    Hindi napapaso ang mga demo account ng Xtrade.

Mga Bonus

  • Anong uri ng mga bonus ang hinahandog ng Xtrade?

    Naghahandog ang Xtrade ng dalawang uri ng bonus: credit at cash.

  • Ano ang kaibahan sa pagitan ng credit/nakabinbin at cash na bonus?

    Agad ikekredito ang cash bonus at kailangan mong kumpletuhin ang inaatas na halaga ng Xpoints; at ang kabaligtaran sa credit/nakabinbing bonus.

  • Saan pa ako makakabasa ng higit pa tungkol sa mga bonus niyong promosyon?

    Paki-click dito upang makita ang mga pinakabago naming promosyon.

  • Hindi ko natanggap ang aking telepono at pagpapatotoong bonus, ano ang dapat kong gawin?

    Mangyaring makipag-ugnayan sa aming Suportang Pangkostumer sa pamamagitan ng live chat, email o tumawag upang makredituhan ka nito.

  • Ano ang Xpoints?

    Ang iyong weighted na dami ng aktibidad sa pag-trade sa puntos.
    Halimbawa: Kung nagbukas ka ng isang posisyon sa EUR/USD na halagang $100,000, makakatanggap ka ng 100 XPoints sa pagsara, dahil ang bawat $1,000 na halaga ng trading ay nagkakahalaga ng 1 XPoint.

  • Pinunan ko ang inaatas na halaga ng pag-trade para sa Xpoints. Bakit hindi nakredito ang aking bonus?

    Nakatanggap ka ng cash na bonus at naikredito ito bago kumpletuhin ang inaatas na dami ng Xpoints.

  • Hindi ko natanggap ang bonus sa pagpapatotoo ng account kahit na ganap na napatotohanan ang aking account.

    Pinatotohanan mo ang iyong account bago ang una mong pagdeposito. Makakatanggap ka ng bonus sa pagpapatotoo ng account sa sandaling pinondohan mo ang iyong account.

Pagpapatotoo ng account

  • Bakit mo hinihingi ang aking mga dokumento?

    Bilang nireregulang kompanya, tumatakbo kami ayon sa ilang Batas sa Anti-Money laundering at Identity Theft pati na ilang kaugnay ng pagsunod na pamamaraang pinatutupad ng aming mga awtoridad sa regulasyon: CySEC, ASIC at IFSC.

  • Paano ko patototohanan ang aking account?

    Maaari mong i-upload ang mga dokumento mo sa pamamagitan ng iyong account:
    Account Options > Account verification o ipadala sila sa pamamagitan ng email sa [email protected]

  • Anong mga pangsuportang dokumento ang kailangan kong ilaan?

    Kaugnay ng aming pamamaraan sa KYC (Know Your Client), inaatasan kang magbigay ng de-kolor na kopya ng balidong dokuento sa pagkakakilanlan at kamakailang katibayan ng address (koryente, gas, tubig, telepono, langis, Internet at/o kontrata sa cable TV, statement ng account sa bangko), na nagsasaad sa iyong pangalan, address at kamakailang (sa loob ng 3 buwan) petsa.

  • Maaari ba akong magbukas ng account sa pamamagitan ng pagbigay ng ibang pagkakakilanlang dokumento sa halip na aking pasaporte?

    Oo. Tinatanggap din ang balidong ID card o driver's license.

  • Makakatanggap ba ako ng email o abiso na kumukumpirma sa katayuan ng aking account?

    Makakatanggap ka ng automated na email na kumukumpirma sa katayuan ng iyong account sa sandaling ganap na napatotohanan ang iyong account.

  • Paano ko maa-update ang personal kong impormasyon?

    Kung nais mong i-update ang iyong email address, numero ng telepono o address ng tirahan, pakipadala ang hiling mo sa [email protected] kasama ng anumang kailangang pangsuportang dokumento.

Mga Deposito

  • Ano ang pinakamababang halagang idedeposito?

    250 USD, subalit, pana-panahong nagpapatakbo ang Xtrade ng mga promosyon na naghahandog ng mas mababang minimum na threshold sa deposito.

  • Naghahandog ka ba ng mga bonus sa mga deposito?

    Oo, naghahandog kami ng hanggang 100% bonus sa deposito mo. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa aming propesyonal na kawani, sa pamamagitan ng live chat o email.

  • Posible bang mawalan ng mas malaki sa dineposito ko?

    Hindi, hindi ka maaaring mawalan ng mas malaki sa una mong dineposito.

  • Anong mga opsyon sa pagdeposito ang ino-offer ng Xtrade?

    Mga credit/debit cards, bank transfer, American Express, at marami pang mga opsyon. Para sa mas detalyadong impormasyon, paki-click dito.

  • Nagpapatupad ba kayo ng anumang bayad sa pagdeposito?

    Hindi sumisingil ang Xtrade ng anumang bayarin sa mga deposito.

  • Tinanggihan ang aking credit/debit card na deposito.

    Nirerekomenda namin na tanungin mo sa bangko mo kung may block sa international o mga online na transaksiyon. O kung ang suma ng deposito ay mas malaki sa pang-araw-araw na limit ng iyong credit/debit card.

  • Maaari ba akong magdeposito mula sa account ng kaibigan/kamag-anak?

    Hindi. Hindi kami tumatanggap ng anumang bayad mula sa account ng mga ikatlong partido. Lahat ng mga deposito ay dapat gawin mula sa account mo.

Impormasyon sa pag-trade

  • Ano ang mga oras ng pag-trade ng platform mo?

    Ang oras ng pag-trade ng market ay mula Linggo 21:00 GMT hanggang Biyernes 21:00 GMT sa Day Light saving time. Sa panahon ng tagalamig, ang oras ng pag-trade ay mula Linggo 22:00 GMT hanggang Biyernes 22:00 GMT. Subalit, ang ilang instrumento ay magagamit lang sa mga partikular na oras. Sa mga oras ng pag-trade ng bawat instrumento, paki-click dito.

  • Bakit sarado ang platform kapag katapusan ng linggo?

    Sarado ang Xtrade platform sa katapusan ng linggo dahil lahat ng pinagbabatayang merkado ng pinansiyal na instrumento ay sarado.

  • Paano ako magsisimulang mag-trade?

    Mangyaring tingnan ang aming Sentro ng Edukasyon t mangyaring tandaan na nirerekomendang hindi ka mag-trade hanggang hindi ka lubos na kumportable sa aming platform. Pagkatapos ay maaari kang mag-log in sa iyong account at magsimulang mag-trade.

  • May anumang peligro sa pag-trade?

    Ang pag-trade sa FX at CFD ay may kaugnay na peligrong mawalan, lalo na dahil sa leveraged na kalikasan ng pag-trade. Paki-click dito para basahin ang buo naming babala sa peligro. Ang impormasyong laman ng website na ito at mga dokumento sa pagsisiwalat ay pangkalahatang katangian lamang, at hindi isinasaalang-alang ang personal mong siskumstansiya, pinansiyal na sitwasyon o mga pangangailangan. Dapat mong maingat na isaaalang-alang ang aming Kasunduan sa Kliyente at humingi ng independiyenteng payo bago ka magpasya kung ang pag-trade sa mga nasabing produkto ay bagay sa iyo.

  • Ano ang kailangan ko para mag-trade?

    Kakailanganin mo ng computer o mobile device (sumusuporta sa iOS, Android o Windows software) na may matuling koneksyon sa internet at may pondong trading account. Nirerekomenda naming dumaan ka sa aming sentro ng edukasyon bago ang una mong pag-trade.

  • Ano ang leverage at anong leverage ang hinahandog niyo?

    Pinahihintulutan ng leverage ang malaking pag-trade na posisyon na masimulangamit ang maliit na margin ng deposito. Ang halaga ng leverage na magagamit ng trader ay paiba-iba, na may magnification na hanggang 400:1
    Halimbawa, ang 100:1, na nangangahulugan na ang mga pag-trade ng currency na nasa halagang $100,000 ay magagawa sa margin ng deposito na $1,000. Pinahihintulutan ng leverage ang paggamit ng credit para mag-trade ng mga halaga na mas malaki sa deposito mo.
    Tandaan, mas mataas ang leverage mas mataas ang peligrong mawala ang dineposito mong kapital. Ang leverage ay maaaring makatulong sa iyo o lumaban sa iyo.

  • May mga disbentahe ba sa pag-trade sa leverage?

    Bagaman pinahihintulutan ka ng leverage na kontrolin ang malaking halaga ng kapital na may maliit na margin sa deposito, mailalantad ka rin nito sa outsized na negatibong paggalaw ng presyo.

  • Mababago ko ba ang leverage?

    Hindi mo mababago ang default na ratio ng leverage.

  • Ano ang pip?

    Ang pip ay ang pinakamaliit na yunit ng pagbabago sa ratio ng presyo ng pinansiyal na instrumento (rate ng pares ng currency).

  • Ano ang spread?

    Ang spread ay ang kaibahan sa pagitan ng presyo ng Bid at Ask.

  • Ano ang kahulugan ng "long" at "short" na posisyon?

    Long position - kapag binibili ng kliyente ang asset at short position kapag binebenta ng kliyente ang asset.

  • Paano ko kakalkulahin ang halaga ng 1 pip?

    Halaga ng Base Currency * Pips = Halaga sa Quote Currency
    Halaga ng 1 pip sa EUR/USD= 1 Lot (100 000 €)*0.0001= 10 USD
    Halaga ng 1 pip sa USD/CHF= 1 Lot (100 000$)*0.0001=10 CHF
    Halaga ng 1 pip sa EUR/JPY=1 Lot (100 000 €)*0.01= 1000 JPY

  • Ano ang slippage?

    Maaaring maganap ang slippage sa panahon ng mataas na volatility ng merkado, karaniwang dulot ng mahalagang ekonomikong balita. Nagreresulta ito sa posisyon mong isinasagawa sa ibang rate kaysa sa tinukoy mo; isasara sa susunod na magagamit na presyo.

  • Paano ko pamamahalaan ang peligro sa mga pabago-bagong merkado?

    Ang pinakamahusay na paraan ay pamahalaan ang peligro mo sa mga pabago-bagong merkado ay tiyakin na ang account mo ay may sapat na margin sa lahat ng panahon. Nirerekomenda ang ilang pamamaraan ng pag-iingat:
    ✔ Subaybayan ang katayuan ng mga bukas mong posisyon.
    ✔ Tukuyin ang pamigil ng kawalan para malimitahan ang peligro sa downside.
    ✔ Panatiliing may pondo ang account mo nang lagpas sa inaatas mong margin.

  • Ano ang limit order?

    Ang mga limit order ay mga take-profit order para bumili at magbenta ng nakatakdang halaga ng pinansiyal na instrumento sa natukoy na presyo o mas mabuti.

  • Paano ko makikita ang aking kasaysayan sa pag-trade?

    Mangyaring mag-log in sa iyong trading account, at i-click ang Account Options > Funds Management > Monetary History or Activity Report

  • Ano ang "Take Profit" at "Stop Loss"?

    Ang mga stop loss at take profit ay mga order na nilagay sa merkado para isara ang bukas na posisyon. Ang "Stop Loss" ay para maiwasan ang higit na masamang paggalaw ng presyo at ang “Take Profit” ay para kumita mola sa bentaheng paggalaw ng presyo.

  • Paano ako magtatakda ng stop loss o take profit?
    I-access ang Edit Position na pop up dialog:
    • Lumikha ng Take Profit na posisyon sa pagpili ng Close at profit at pagtukoy ng pan-trigger na Rate o Halaga
    • Lumikha ng Stop Loss na posisyon sa pagpili ng Close at loss at pagtukoy ng pan-trigger na Rate o Halaga
  • Aabisuhan ba ako kung sasailalim ako sa margin call?

    Aabisuhan ng Xtrade ang mga premium na kliyente sakaling may mga margin call. Ang iyong Margin ay sinusubaybayan sa real time, nagbibigay sa iyo ng bentaheng malaman kung saan ka naroon sa lahat ng oras. Ang mga margin call ay maaaring magdulot ng pagsasara sa mga bukas mong posisyon sakaling ang available mong margin na deposito ay bumaba sa inaatas sa margin para sa partikular na instrumentong iyon.

  • Ano ang kahulugan ng petsa ng pagkapaso sa tab ng mga detalye?

    Ang ilang mga instrumento ay tine-trade batay sa batayang kontrata sa futures. Ang mga instrumentong iyon ay may partikular na petsa ng pagkapaso kung saan lahat ng mga bukas na deal/limit order ay isasara.

  • Saan ako makakahanap ng petsa ng pagkapaso ng mga partikular na instrumento?

    Para sa mga instrumentong may petsa ng pagkapaso, maki-click mo ang tab ng Mga Detalye na kaugnay ng instrumento.

  • Ano ang trend?

    Ang trend ay ang pangkalahatang direksyon ng merkado o presyo ng asset, at maaaring magbago-bago ang haba ng mga trend mula sa maikli hanggang sa intermediate, sa pangmatagalan.

  • Ano ang kahulugan ng suporta at lebel ng resistance?

    Sa teknikal na pagsusuri, ang suporta at resistance ay mga konsepto na ang paggalaw ng presyo ng seguridad ay hihinto at babalik sa natukoy nang lebel ng presyo.

  • Ano ang available na balanse at bakit iba ito sa equity?

    Magagamit na Balanse: Halagang magagamit bilang Paunang Margin.
    (Equity) – (Gamit na Margin)
    Equity: Mga Deposito - Mga Pag-withdrawal+ Bonus + Saradong P&L + Bukas na P&L

  • Ano ang M. Margin? Paano ito ginagamit?

    Para panatiliing bukas ang bago mong posisyon, ang equity sa iyong account ay dapat lumagpas sa kabuuang Lebel ng Maintenance Margin. Ang mga inaatas sa Lebel ng Maintenance Margin ay partikular sa bawat pinansiyal na instrumento. Laging pinapakita ng Xtrade ang lebel ng Maintenance Margin para sa bawat indibiduwal na instrumento.

  • Ano ang P&L?

    Kabuuang P&L na denominated sa batayang currency ng account.

  • Saan ko mahahanap ang aking mga kinanselang deal/ Limit?

    I-click ang Mga Opsyon ng Account > Pamamahala ng Mga Pondo > Ulat sa Pera.

  • Ano ang High/Low indicator?

    Tinutukoy nito ang Pinakamataas na Bid at Pinakamababang Ask na inabot sa kasalukuyang araw ng pag-trade.

  • Ano ang hahadlang sa aking magbukas ng mga trade?

    Masisimulan lang ang mga trade kung may sapat na quity na pinondohan sa oras kung kailan ang batayang pinansiyal na instrumento ay tine-trade din sa pampublikong palitan.

  • Saan ako makakahanap ng oras ng pag-trade ng partikular na instrumento?

    I-click ang "Mga Detalye" ng instrumento.

  • Paano ko mapapababa ang pinakamababa kong lot ng pag-trade?

    Mangyaring makipag-ugnayan sa aming Suportang Pangkostumer para sa direktang tulong.

  • Paano ko maidadagdag ang instrumento sa aking listahan ng paborito?

    I-click ang Star icon ng instrumento.

Mga Bayarin at Mga Komisyon

  • Ano ang spread?

    Ang spread ay ang kaibahan sa pagitan ng bid at ng hinihinging presyo ng pinansiyal na instrumento.
    Para makita ang halaga ng Spread value para sa bawat produkto, mangyaring sumangguni sa aming listahan ng mga CFD.

  • Ano ang bayad sa premium?

    Ang pananatiling bukas ng posisyon makalipas ang partikular na oras (tinatawayang 22:00GMT (21:00DST)), tulad ng pinapakita sa display screen ng XTrade trading platform "Mga Detalye", ay magpapasailalim sa iyo sa isang XTrade funding premium na ibabawas mula sa iyong account. Sasakupin ng premium na ito ang benepisyo/halaga ng kaugnay na pagpopondo.
    Ang trade settlement ay nagaganap dalawang araw ng negosyo (T+2) makalipas ang araw ng pag-trade (pagbukas/pagsara ng posisyon). Ang araw ng pagbabayad ay tinatawag ding araw ng halaga.
    Para makita ang halaga ng Premium Sell at ang Premium Buy na Singil para sa bawat produkto, mangyaring sumangguni sa aming listahan ng mga CFD.

  • Ano ang bayad sa Kawalan ng Aktibidad?

    Ang Bayad sa Kawalan ng Aktibidad ng Account na $50 USD bawat buwan ay tinatasa sa mga account ng XTrade na hindi aktibo. Tinuturing na hindi aktibo ang account kung walang aktibidad sa pag-trade sa 3 buwang panahon.

  • Sumisingil ba ang Xtrade ng anumang bayad sa pagdeposito/pag-withdraw?

    Hindi sumisingil ang Xtrade ng anumang bayarin sa mga pag-deposito/pag-withdraw. Subalit sa mga bangko at/o mga bangko ng intermediary ay maaaring may mga bayad sa tagapagproseso. Hindi kami tumatanggap ng anumang responsibilidad para sa mga nasabing bayarin.

Mga Pag-withdraw

  • Paano ako hihiling ng pag-withdraw?
    Mangyaring gawin ang mga sumusunod na hakbang:
    • Mag-log in sa iyong Xtrade account
    • I-click ang "Withdraw" sa pangunahing pahina ng Web Trader
    • Pakipasok ang halaga at isumite ito sa pamamagitan ng pag-click sa "Withdraw" button.
    • Para kumpletuhin ang hiling mo, mangyaring mag-print ng withdrawal form, mano-mano itong lagdaan at ipadala ito sa [email protected] o sa pamamagitan ng fax: +357 25030429
    • Kapag kumpleto na ang hiling mo, ipapasa ang impormasyon sa amin para iproseso. Makakatanggap ka ng kumpirmasyong email sa hiling mo sa pag-withdraw.
  • Paano ko matitingnan ang katayuan ng aking hiling sa pag-withdraw?

    I-click ang Mga Opsyon ng Account > Pamamahala ng Pondo > mga hiling sa Pag-withdaw at makakakita ka ng bagong pop up window na may buong detalye ng iyong pag-withdraw.

  • Maaari ko bang kanselahin ang aking hiling sa pag-withdraw?

    Maaari mong kanselahin ang hiling mo anumang oras habang ang katayuan nito ay "Nakabinbin"

  • Bakit tinanggihan ang pag-withdraw ko?
    Maaaring tanggihan ang mga hiling sa pag-withdraw para sa isa o higit pa sa mga sumusunod na dahilan:
    • Hindi ganap na napatotohanan ang account mo. (Pakitandaan na dapat ganap na mapatotohanan ang account mo bago ang proseso ng pag-withdraw. Ang listahan ng mga kailangang dokumento ay mahahanap dito. Sa mga sukdulang sirkumstansiya, reserbado ng Kompanya ang karapatang humiling ng karagdagang dokumentasyon.)
    • Hindi kami nakatanggap ng nilagdaang withdrawal form.
    • Ang withdrawal form ay hindi mano-manong nilagdaan, natanggap lang namin ang bahagi nito o nagsasaad ito ng petsa ng pag-withdraw na tinanggihan na.
    • Hindi namin nailipat ang mga pondo sa detalyeng nilaan sa bangko/e-wallet o hindi kami nakatanggap ng mga tamang detalye.
    • Hindi nakumpleto ang kailangang dami.
  • Bakit hindi ako pinahihintulutan ng system na humiling ng pag-withdraw?

    Kung mayroon kayong bukas na mga posisyon, hindi ninyo mawi-withdraw ang inyong buong Available na Balanse. Kailangan ng pinakamamababang halaga para mapanatili ang Maintenance Margin.
    (Available na Balanse – Maintenance Margin) at margin >= 1% = Pinakamalaking Halaga na Mawi-withdraw

  • Gaano katagal aabutin ang pagproseso ng pag-withdraw?

    Ang mga hiling sa pag-withdraw ay inaabot ng hanggang limang araw ng negosyo para iproseso. Maaring magkaroon ng hindi namin sakop na mga pagka-antala sanhi ng ikatlong partido na mga pamamaraan ng pagbabayad sa pag-withdraw (hal. kompanya ng credit card, ang bankong nagpapadala o ang intermediary na mga bangko na nag-aantala ng mga paglilipat, sa malalang kaso, hanggang 3 linggo).

  • Anong mga opsyon sa pag-withdraw ang mayroon ka?

    Ipoproseso ang pag-withdraw mo sa pamamagitan ng parehong paraan ng paggawa ng deposito. Kapag nagdeposito ka gamit ang credit card, anumang pag-withdraw na halaga ay ibabalik sa credit card na iyon. Gayundin, kung ang deposito ay ginawa gamit ang bank transfer, ang mga pag-withdrawal ay ililipat pabalik sa iyong bank account. Ang mga ibang depositong ginawa sa pamamagitan ng e-wallet ay isasauli bilang bank transfer o gamit ang Skrill/Netteler e-wallet.

  • Kung ang halaga ng pag-withdraw ko ay lagpas sa nadeposito kong halaga, paano ako makakapag-withdraw?

    Sundin lang ang pamamaraan sa pag-withdarw at isasauli ang mga pondo batay sa paraan ng paggawa ng deposito.

  • Saan ako makakahanap ng withdrawal form?

    Mangyaring mag-log in sa iyong account, i-click ang Mga Opsyon ng Account > Pamamahala ng Mga Pondo > Mga hiling sa pag-withdraw > paki-click ang Mga Detalye na kasunod ng nakabinbing hiling sa pag-withdraw.

  • Bakit hindi tinanggap ang aking form sa pag-withdraw?

    Pakilagdaan ang form gamit ang panulat dahil hindi matatanggap ang mga virtual signature.
    Mangyaring siguruhing magpadala ng buong form, hindi lang bahagi nito. Kailangan natin ang orihinal na form na nakumpleto ng buo, pinapakita ang logo ng aming kompanya.
    Siguruhin na ang petsa sa form ng pag-withdraw mo ay parehong petsa ng paghiling mo.

  • Gaano katagal aabutin bago ko matanggap ang aking pondo?

    Karaniwang inaabot ng hanggang 10 araw ng negosyo kung gagawin ang refund sa pamamagitan ng bank transfer o credit/debit card. Ang mga bayad sa e-wallet ay lalabas sa account mo sa sandaling naaprubahan ang iyong pag-withdraw.

Pag-deactivate ng account

Paano ko made-deactivate ang aking account?

Mangyaring makipag-ugnay sa aming Suportang Pangkostumer para tulungan ka.

Ready to start trading?

Get started with your Xtrade account today

Kasama sa pag-trade ng mga CFD ang makabuluhang peligro na mawalan. Ang pag-trade ng mga FX/CFD ay may kaugnay na makabuluhang lebel ng peligro at maaaring mawala mo lahat ng pinuhunan mong kapital. Mangyaring pakisuguro na nauunawaan mo ang mga panganib na kaugnay.