Magbukas ng bagong account
Account Login
Contracts for Difference (Mga CFDs) sa Xtrade – ang naaayong paraan para mag-trade sa mga pinansiyal na merkado.
Aang pag-trade ng CFD ay nagpapahintulot sa trader ng merkado na kumuha ng posisyon sa halaga sa hinaharap ng ari-arian kung sa palagay ng trader ng merkado na ito ay tataas o bababa.
Magsimula ngayon! Mag-trade ng Mga CFD sa Shares, Mga Commodity, Mga Indise o Forex.
Hindi aabutin ng 2 minuto para magbukas ng account sa Xtrade. Gumamit ng Credit Card, Skrill o Bank Transfer para pondohan ang iyong account.
Listahan ng Mga CFDKinikilala at nauunawaan ng Kliyente na sa anumang payong kaugnay ng Mga CFD, ang mga sumasailalim na ari-arian para sa Mga CFD at (kung angkop) ang mga palitan kung saan ang mga sumasailalim na ari-arian ay tine-trade o gumawa ng mga rekomendasyon sa pamumuhunan kasama ang mga okasyon kung saan hihingi ang Kliyente ng nasabing payo at/o rekomendasyon. Mag-isang gagawin ng Kliyente ang anuman at lahat ng pasya sa pamumuhunan.
Ayon sa kahulugan ang Mga CFD (Contracts for Difference) ay hindi nagbibigay ng anumang karapatan (o obligasyon) sa sumasailalim na ari-arian. Ang Kompanya ay maghahatid sa (o kung saan angkop ay ibabawas sa) trading account ng Kliyente nf perang halaga ng natapos na kontrata ng CFD. Ang perang halagang ito ay ang kaibahan sa pagitan ng presyo ng pagbukas at pagsara ng CFD na posisyon (binuksan at sinarhan sa inisyatibo ng Kliyente) bawas ang anumang nagkaroong premium na singil. Ang netong resulta ay maaaring negatibo (kalugihan) o positibo (kita). Ang pinakamalaking posibleng kawalan para sa alinmang Kliyente ay hindi lang ang margin na ginamit para magbukas ng CFD na posisyon per maaaring umabot sa bahagi o kabuuan ng nadepositong halaga ng Kliyente sa kanyang trading account. Kapag ang kalugihan ng Kliyente ay umabot sa kabuuan ng nadeposito niyang halaga, lahat ng mga bukas na posisyon ay ili-liquidate at ang magagamit niyang balanse ay magiging katumbas ng 0. Sakaling ang balanse ng Kliyente ay aabot sa 0 (iyon ay, negatibong balanse) ibabalik ng Kompanya ang nasabing balanse sa 0 (proteksiyon sa negatibong balanse), alinsunod sa mga inaatas sa regulasyon. Sumangguni sa numerong halimbawa sa ibaba.
Ang presyo ng CFD ay mula sa presyo ng sumasailalim na ari-arian (kasama ang mga share, mga commodity ng indise at mga EFT; mangyaring sumangguni sa aming listahan ng mga CFD na seksiyon para sa detalye) na maaaring maging napaka-volatile. Ang presyo ng mga pinansiyal na instrumento at sumasailalim na ari-arian ay maaaring magbago nang mabilis at sa malalawak na saklaw na lagpas sa kontrol ng Kliyente o ng Kompanya. Sa ilalim ng ilang kundisyon ng merkado, maaaring maging imposible na ang kautusan ng kliyente ay maisagawa sa mga dineklarang presyo. Ang mga presyo ng mga pinansiyal na instrumento at mga sumasailalim na ari-arian ay maiimpluwensiyahan ng, kabilang ng mga ibang bagay, binabago ang nasyonal at internasyona na politikal at ekonomikong kaganapan at umiiral na kundisyon ng makabuluhang lugar ng merkado.
Ang mga CFD na hinahandog ng Kompanya ay mga off-exchange na transaksiyon (iyon ay over-the-counter) habang ang (mga) online trading platform na hinahandog ng Kompanya ay hindi nakaugnay sa nireregulang merkado o multilateral na trading facility, tulad ng mga awtorisadong stock exchange.
Ang mga kundisyon sa pag-trade ay itinatakda ng Kompanya, sasailalim sa anumang mga obligasyon na kailangan nating bigyan ng pinakamahusay na eksekusyon, para kumilos nang makatwiran at ayon sa ating Kasunduan sa Kliyente at sa ating Pinakamahusay na Interes at Polisiya sa Pagsasagawa ng Kautusan. Ang bawat CFD na bubuksan ng Kliyente sa pamamagitan ng ating plataporma sa pag-trade ay nagreresulta sa pagpasok ng kautusan sa Kompanya; ang mga nasabing kautusan ay maaari lang isara sa Kompanya at hindi maililipat sa alinmang ibang tao.
Upang gumawa ng CFD Order, inaatasan ang Kliyenteng magpondo at magmentina ng margin. Ang margin ay karaniwang medyo katamtamang suma na naaayon sa kabuuang notional na halaga ng kontrata sa termino ng pera. Nangangahulugan ito na ang Kliyente ay magte-trade gamit ang “leverage”. Samakatuwid, ang medyo maliit na paggalaw ng merkado ay maaaring magdulot ng naaayong mas malaking paggalaw sa halaga ng posisyon ng Kliyente, pabor man o hindi sa Kliyente.
Kung gumalaw ang merkado laban sa posisyon ng Kliyente at/o tumaas ang mga inaatas sa margin, maaaring tawagan ang Kliyente para magdeposito agad ng karagdagang pondo para mamentina ang posisyon niya. Ang kabiguang sumunod sa hiling sa pagdeposito ng mga karagdagang pondo ay maaaring magresulta sa pagsasara ng (mga) posisyon niya.
Dapat subaybayan ng Mga Kliyente ang kanilang account sa pag-trade at gumawa ng angkop na pagkilos habang pinararami ng leverage ang pagkalugi at/o kita. Hindi sinusubaybayan ng Kompanya ang mga account ng Kliyente at hindi makakapagpasya alinsunod sa mga bukas na posisyon sa ngalan ng Mga Kliyente.
Halimbawa:
Ipalagay na nagdeposito ang Kliyente sa kanyang trading account ng 2,000 USD at ang effective leverage na nilapat ay 1:100. Samakatuwid, ang pinakamalaking posibleng notional value na mate-trade ng Kliyente ay 200,000 USD (100 leverage X 2,000 USD).
Ipalagay na nagbukas ang kliyente ng CFD posisyon na may notional value na 100,000 USD (ang inisyal na margin na ginamit para sa posisyong ito ay 1,000 USD) kung ang sumasailalim na merkado ay gumalaw ng 2.1% laban sa Kliyente, magreresulta ito sa pagbawas ng equity ng Kliyente ng 2,100 USD at bilang kahihinatnan, ang posisyon ay awtomatikong magsasara at magreresulta sa pagkawala ng Kliyente sa nadepositong halaga. Dahil ang nadepositong halaga ng Kliyente ay 2,000 USD habang ang kalugihan ay umabot sa 2,100, mawawala ng Kliyente ang nadeposito niyang pera pero hindi namamagot na bayaran ang natitirang 100 USD.
Sa kalaunan ang paggalaw ng merkado na 2.1% na pabor sa Kliyente ay magreresulta sa dagdag sa equity na 2,100 USD na hindi ikekredito sa trading account ng Kliyente hanggang sa panahon na isara ng Kliyente ang posisyon.
Pakitandaan para maging simple sa halimbawa sa itaas, ang mga epekto ng mga komisyon (tulad ng mga singil sa premium) ay hindi isinaalang-alang. Para matuto pa tungkol sa mga singil o komisyon ng Kompanya, paki click dito.
Naghahandog ang Kompanya ng mga kasangkapan para sa mitigasyon ng peligro tulad ng pagpapahinto ng kalugihan na makakalimita sa halaga na mawawala ng kliyente.
Responsable ang Kliyenteng maglagay ng tagubilin sa pagpapahinto ng kalugihan sa sarili niyang inisyatibo. Kapag naglagay ng pagpapahinto ng kalugihan kasunod ng pagbukas ng posisyon, ang nasabing posisyon ay awtomatikong sasara batay sa mga limitasyong napili ng kliyente.
Ganunpaman, kinikilala ng Kliyente at tinatanggap na ang mga kasangkapan sa pagmitiga ng peligrong ito ay hindi laging garantisadong maayos na gumana at lalo na kapag halimbawa, may hindi mabuting kalagayan sa merkado. Bilang karagdagan, sa ilalim ng ilang kalagayan ng merkado, ang presyo ng pagsasagawa ng Kautusan sa Pagpapahinto ng Kalugihan ay maaaring mas malala sa presyong tinakda ng Kliyente at ang mga nakamit na kawalan ay maaaring mas malaki sa inaasahan.
Ang pag-trade sa mga CFD ay masyadong speculative at masyadong peligroso at hindi angkop sa lahat ng miyembro ng pangkalahatang publiko pero para lang sa mga namumuhunan na:
Ang mga pinansiyal na instrumentong hinahandog ng Mga CFD sa kanilang kabuuan, iyon ay, mga derivative na pinansiyal na instrumento na ang halaga ay mula sa array ng mga sumasailalim na ari-arian (tulad ng mga share na na-trade sa palitan, mga pares ng currency, mga commodity future at mga ETF).
Get started with your Xtrade account today
This website uses cookies to optimize your online experience. By continuing to access our website, you agree with our Privacy Policy and Cookies Policy . For more info about cookies, please click here.
or